Thursday, July 28, 2011

Mga huling luha




Sinabi kong para sa ‘yo,
bawat patak,
bawat dausdos,
bawat pamimisabis nitong mga luha kong
tila walang hanggang ulan,
tila walang hanggang alon
na hindi matighaw-tighaw
itong aking pagka-uhaw
sa iyo.

Ngunit sadyang magtatapos ang gabi.
Sadyang aahon ang araw.
Kikilos ang mga tala’t liliwanag ang langit.
Pagka’t walang awit at tula’ng
hindi nagtatapos,
hindi nauupos.

Ngunit sa huling pagkakataon,
sa huling sandali ng gabing ito
hayaan mo akong lumuha,
hayaan mo akong ipagluksa,
ang aking nabigo’t,
nadurog kong puso.

Paalam mga luha, paalam.
Sa aking paghimlay,
sa pagtatapos nitong buhay
itong mga huling luha
sa ‘yo pa rin iaalay.



This is my entry for Iya's "Luha mo sa pa-contest ko"

11 reaction(s):

iya_khin said...

salamat sa pagsali!

sad naman nito..suicide ba?!sweetness pa din hanggang sa katapusan!

Arvin U. de la Peña said...

sumali ka rin pala..sasali din ako..siguro..hehe..

~ JaY RuLEZ ~ said...

lab ko ito..galing..tagos na tagos!

RainDarwin said...

entry ba yan sa poetry writing contest o durog na naman ang puso mo?

Nate said...

@deebee: thanks sa pag-like sa piece ko ah.. i really appreciate it.. so pano? ang Bloggers' Literary Folio, kelan sisimulan?? :D

Sean said...

ang ganda

J. Kulisap said...

Ito ang tula na may emosyon na sa pakiwari ko'y nag internalize ang gumawa. Ang tula kasi, mahirap gawin kapag hindi kusang bumubukal ang mga salitang gagamitin, ang porma at kung paano pag-iisahin ang mabubuong diwa.

Naiparating yong malungkot na pamamaalam dahil sa huling luhang papatak.

Désolé Boy said...

Salamat po sa mga nagandahan. Your kind words are enough guys kahit 'di na po ako manalo. Salamat.

joeyvelunta said...

Kung may nagpapalalim sa isang tula, 'yon ay ang dalamhati at kaligayahang tinatamasa habang ginagawa ang isang tula. Maaring ito rin ay hinugot sa nakaraan. Payak na paghanga, payak na pangarap, nabigong pag-ibig, tigang na damdamin anu't ano pa man basta mula sa puso kahit sino ang makakabasa tiyak mag-iiwan ito ng bakas di lang sa puso kundi pati sa isipan.

jaypee | enjayneer.com said...

nice. aylabet. may pinaghugutan :P

shyvixen said...

lab et.... mukhang hinugot mo ng buong-buo ito.. ehehhe... LAB ET... LAB ET... :D

 

Copyright © 2010 Désolé Boy | Blogger Templates by Splashy Templates | Free PSD Design by Amuki