Monday, July 11, 2011

Car crash



Galing kami kahapon sa house blessing ng pinsan ko sa Meycauayan, Bulacan. Puno ang sasakyan namin at madami kaming kasamang mga bata, puro mga pamangkin ko. Pupunta muna daw kami ng mall para makapaglaro saglit ang mga bata at samantalahin na rin ang pagkakataon para mamili.

Papalabas na kami ng intersection, nasa unahan ako naka-upo noon, nagulat na lang ako nang ang kuya ko, ang driver namin, eh nag dire-diretso sa kabila ng paparating na pulang Adventure sa kaliwa namin na mabilis din ang takbo. Napasigaw din ang isa ko pang kuya sa loob “ihinto mo.”

Pero huli na. Dire-diretso ang takbo namin, mabilis. Dire-diretso din ang takbo ng Adventure, mabilis. Ga-hibla na lang ng buhok ang pagitan ng dalawang sasakyan at magsasalpukan na ang mga ito ngunit nagawa pa ring umiwas ng Adventure. Salamat na lang at wala siyang kasalubong na sasakyan sa kabilang lane.

Pare-pareho kaming nakahinga ng maluwag. Akala ko tapos na ang trahedya. Nun pala, nagsisimula pa lang ang lahat. Nag-cut ang Adventure sa unahan namin at dun ko naisip na siguradong may away na magaganap.

Bumaba ang driver ng Adventure. Bumaba rin ang kuya ko, ang driver namin. Bumaba rin ako at sinundan ko siya sa kabila ng pagbabawal ni mama at mga tita ko. Kasalukuyang minumura nung kabilang driver ang kuya ko.

“Putang ina mo papatayin mo ba kami? Kasama ko buong pamilya ko tarantado ka!”

Bagama’t may galang ang pagsagot, hindi pa rin maikakaila sa tono ng kuya ko ang natural na angas na sadyang likas na yata sa pamilya namin.

“Pare, kaya nga humihingi ako ng dispensa. Buong pamilya din kami sa sasakyan, madulas lang talaga.”

“Eh gago ka pala.”

Dun na ko sumali sa diskusyon.

“Eh ‘wag naman kayong mag-mura. Pa’no tayo magkakaintindihan niyan kung mura lang kayo ng mura.

Sumagot ulit yung driver.

“Eh gago yang driver nyo eh. Tadyakan ko pa yan.”

Dun na ‘ko hindi nakapagpigil.

“Eh isa ka pa rin palang tarantado eh. Gago!”

“’Tang ina mo ang yabang mo ah!”

“Talagang mayabang ako tang-ina mo taga (kumpanyang pinapasukan ko) ako. Ano?”

Inakmaan niya kami ng suntok at napa-atras naman ako ng kalahating hakbang. Ang hindi ko alam, nasa likod ko na pala ang isa ko pang kuya.

“Putang ina mo sige subukan mong kantiin yang pinsan ko basag yang mukha mo. Pulis ako!” sabay labas ng kanyang tsapa.

Bumaba ng konti ang boses nung driver ng Adventure. Sinilip ko ang laman ng sasakyan nila. Isang babae sa unahan na palagay ko eh asawa nung driver tapos dalawang batang babae sa likod at isa pang babae na mukhang nasa early twenties. Sa loob-loob ko, ang tapang nito ah. Nag-iisa siyang lalaki kung makasugod naman akala mo isang batalyon ang kasama.

Natapos din ang gulo at dumiretso na nga ang pamilya namin sa mall. Habang nasa coffee shop, tuloy pa rin ang diskusyon namin sa nangyari at napapa-isip talaga ko.

Una, ang hirap pa lang mag-angas kung alam mong ikaw naman talaga ang mali. Mali ang kuya ko, inaamin namin yan. Nasa intersection kami, kami ang palabas at sila ang nasa National Road, kami dapat ang nagme-menor para mag-abang. Isa pa, nakakahiya mang aminin pero naka-inom talaga ang kuya ko.

Pangalawa, naisip ko, pa’no kung ako lang mag-isa. Hindi ako pulis at siguradong bugbog ang aabutin ko. Makatawag man ako sa mga pinsan ko, matagal pa bago sila makarating. Madami patalaga ‘kong dapat matutunan sa pagmamaneho.

Pangatlo, pa’no kung natuluyan kaming maaksidente. Baka patay na ‘ko ngayon. Baka patay na rin ang kalahati ng pamilya namin.

Bagama’t nakalimutan na rin kahit papano ng lahat ang mga kaganapan dahil sa paglilibot, pamimili at paglalaro ng mga bata sa mall, hindi pa rin dun nagtapos ang lahat. Pagdating sa bahay, ikinuwento ng lahat sa tito ko ang buong pangyayari. Ayun, pinagmumura’t pinagalitan ng husto ng tito ko ang kuya habang naghahapunan kami.



___
Author's note: Strong apologies to my readers who can't understand the Filipino language. Rest assured that the I will go back to writing in English for my next posts. Thank you for understanding. 

26 reaction(s):

Leo said...

ang tapang mo DB! :)

Ms. Chuniverse said...

What an experience.

Kung ako 'yan, hinambalos ko na sya ng....


.... scepter.


yun lang.

Sean said...

punung puno ng testosterone!

Nate said...

@hrh queen chuni: forgive me, madam.. but a scepter won't do much damage.. my lady, if i may suggest, try hitting them with the sharp, pointed ends of your crown.. that, my queen, would puncture on flesh.. :P

@Deebee: aww.. :( my heart raced.. the thought of you, caught in an accident, gave me the creeps.. omg.. be safe, always, ok?? no more "angas" mode for you.. kung pwede lng nmn..

RoNRoNTuRoN said...

Good thing ur all safe. ang angas nung isang driver ah! kasira ng umaga. ahahaha. lolx. napaisip din ako, at kinabahan mag drive. d ako ready sa mga gantong eksena. feeling ko titiklop lang ako.

Supladong Office Boy said...

kung ako nasa ganyang sitwasyon, i-oopen ko agad yung google+ ko sa laptop at invite ko kayo agad sa Hangout at Skype session natin. para makita nyo ko ng live habang nakikipagbakbakan sa suntukan. hahaha!

baka hampasin ko lang sya ng magic patola!! hahaha..

just kidding. smile! good vibes dapat.

dobleng ingat na lang next time.

Désolé Boy said...

Leo - May baril ang kuya ko. Yun ang nagbigay sa 'kin ng tapang. Haha
.
.
Your Majesty, Miss Chuni - Sayang ang scepter 'pag ganun, baka mawasak. Yung throne mo na lang ang ihampas mo 'pag ganun ;D
.
.
Sean - Alam mo yan! Haha. I think lahat naman ng bakla pagdating sa away nagiging maton. lol
.
.
Nate - It's hard to control especially if you came from a family na kilalang mga siga ng Tondo. lol
.
.
Ron - Kung ako lang mag-isa, hindi rin ako ready. Kaya lang kung hindi ka kasi mag-aangas, sasamantalahin nila yun, di ba?
.
.
Carlo - As much as I would love to have that magic patola, hindi siya akin eh. Sa pekeng DB yun, so...haha. Salamat sa paalala.

Nate said...

@deebee: ooooh.. guns.. --- "May baril ang kuya ko. Yun ang nagbigay sa 'kin ng tapang. Haha"

ay, trulili.. mas ok nga pag ganun.. ahahaha! :P --- "Yung throne mo na lang ang ihampas mo 'pag ganun ;D"

waaah! :( nakakatakot.. ka.. :| --- "Nate - It's hard to control especially if you came from a family na kilalang mga siga ng Tondo. lol"

dark_knight said...

i would do the same.. wahahah kukurutin ko pa sia sa singit.. hahaha

RainDarwin said...

last sunday early in the morning from metrowalk nakabangga kami ng toyota vios, lahat kami lasing buti na lang may sumalo saming kaibigang pulis or else daming kaso ng barkada naming may-ari ng sasakyan.

anyways dapat pala kapag gigimik wag nang magdala ng sasakyan para iwas disgrasya.


share ko lng yung nakita kong billboard sa alabang ang sponsor ay globe:

DON'T TEXT AND DRIVE

DON'T DRINK AND DRIVE

di ko ma-getsung! parang tinanggalan ako ng demokrasya hahahah.

Ester said...

di ako naniniwalang swerte ka lang, siguro meron ka pa talagang purpose sa mundong 'to :)

Mr. Chan said...

glad to know that ur all safe.

Mas ok talaga kung sisindakin mo ang mga ganyang klase ng tao pra nde ka maunahan :) hehehe

Keep Safe always

the green breaker said...

Hala! Buti na lang walang nangyaring masama bukod sa napaaway kayo.

On the brighter side, ligtas naman kayo lahat. Ang init ng ulo dapat kinokontrol. PPero kung nasa lagay niyo rin ako baka manapak talaga ako. Mababa lang kasi ang pasensya ko sa mga mahirap kausap.

^travis said...

ingat na lang next time. dapat talaga the designated driver must remain sober.

Désolé Boy said...

Nate - Don't worry. Hindi ako masyadong kagaya nila. Namamanhid buong katawan ko pag nasobrahan ako ng galit or any emotion then naninikip dibdib kaya pilit ko din kinokontrol sarili ko.
.
.
Dark Knight - I know right? Matapang ang mga Bulakenyo eh, haha.
.
.
Papa P - Really now! Grabe! We must be careful. So far, with my friends, wala pa namang nangyayaring ganun kahit minsan puro din kami lasing (naka-jutes pa nga minsan ang driver namin). Take care Papa P.
.
.
Ester - At kawawa rin mga bata kung nagkataon. Salamat sa pagdalaw dito.
.
.
Mr. Chan - Oo nga eh kasi kung pagbibigyan mo rin sila aabusuhin ka naman. Salamat.
.
.
Green Breaker - Good for you. Pasensyoso ka pala. ;D
.
.
Travis - Pinagsabihan na namin siya eh kaya nga napagalitan siya ng todo ng tito ko, haha.

Nimmy said...

ang lakas ng impact sa puso ko! ang tapang mo dboy!!! dugong bulakenyo talaga oh! :)

shenanigans said...

oh gosh! mag iingat kasi kayo next time.. tsaka yung mga ganyang tao hindi na dapat pinapatulan ikaw naman pinatulan mo pa..

nyway, buti walang nangyaring masama or buti hindi kayo sinaksak or kung anu pang mga bagay na pwedeng mangyari


be CAREFUL next time!

citybuoy said...

Filipino machismo. At times, I hate it so. But it's such a turn on. haha

There's something about your Filipino posts. I feel like I'm getting a clearer picture of who you really are. It's a little more difficult to understand but the fun's in the hunt.

Or maybe I'm just jealous. I can't write this way. haha

Nate said...

deebee!! huhu.. my wrist.. tsk tsk.. :(

YOW said...

Ang tapang. HAHA. Medyo may epekto naman ang pagaangas mo din. Pero rude din naman kasi ginawa nung driver ng adventure kahit na di siya may kasalanan. Walang magagawa ang murahan. Tsk tsk.

Thank you Lord na lang at safe ang buo mong pamilya pati yung family nung nasa adventure. :)

bienvenido_lim said...

baril, tsapa, nakainom...tsk


good to know you are all safe.

Désolé Boy said...

Nimmy - Spoken like a true Bulakenyo! ;D
.
.
Russ - Mahirap hindi pumatol eh. Thank you sa concern ;D
.
.
Nyl - Nahihirapan akong magsulat sa Tagalog, sa totoo lang. Pakiramdam ko mas marami akong grammatical errors kumpara sa English writings ko. But then, sabi nga ng mentor ko, those grammar rules are not real and the only rule is your rule. So...Anyway, salamat ;D
.
.
Nate- Haha! ;D
.
.
Yow - Yun na nga eh. Kung maayos sana siya kausap walang murahang naganap, hehe. Salamat.
.
.
Bien - I know, right? Hehe. Thanks.

Viktor Saudad said...

...di ako pisikal sa mga ganyang pagkakataon. pero tingin ko, hindi ko kayo aagtrasang magkakapatid given na aminado kayo sa mali nyo.

labasan mo pa ko ng baril, ako maunang kakasa.

just a thought.

Désolé Boy said...

Viktor - I'm kinda turned-on by your response, hihi. Palaban!! I like! ;D

Viktor Saudad said...

uhm...baka ibang baril ilabas mo sa akin nyan? haha!

kidding aside, ayawko kasi ung nilalagay ako sa mali ng ibang taong nagkamali. tipong gugulangan pa ko. at may instances na, kung may baril lang talaga yung kaharap ko siguro nga natutukan na ko.

Prince Golez said...

been here...

story teller na story teller ang dating. :)

 

Copyright © 2010 Désolé Boy | Blogger Templates by Splashy Templates | Free PSD Design by Amuki