Sunday, May 1, 2011

Pamamaalam


Minsan ako’y nangarap
Buhay ay puno ng buhay
Pag-ibig ay walang-hanggan
Kalangita’y mapagpatawad.

Noo’y bata ako’t walang takot
Mga pangarap gayon na la’ng nasayang
Wala ‘ko anumang pangamba
Bawat himig akin nang inawit

Subalit may dumarating
Mga kampon ng kadiliman.
Baka ikaw ay sakmalin
Hanggang magkagutay-gutay.

Kasiping siya sa tag-araw,
Ang alay niya’y ligayang tunay
Ang puso ko’y hinamak niya
Wala na siya sa tag-ulan!

Nangangarap pa ako
Siya’y babalik sa aking piling
Subalit sa daigdig na ito
May unos na di kakayanin.

Ang lahat ng pangarap ko
Iba sa aking dinaranas
Ang buhay ko’y impiyerno na
Ngayon pangarap ko ay patay na.




"Nangarap ako ng isang pangarap"
-halaw sa orihinal na salinawit ni Pete Lacaba, "Sa Panaginip Ko" mula sa orihinal na awiting "I Dreamed a Dream"
 

Copyright © 2010 Désolé Boy | Blogger Templates by Splashy Templates | Free PSD Design by Amuki