Thursday, February 10, 2011

Nawala siyang hindi dumating

I was reviewing some of my old notes back in college and found this one. Such very innocent and naive words, who would've thought I would even dare thread those? Despite the cheesiness, there's something in it...the bitter-sweet taste of my youth; the early call for affection and fulfillment. Was there a change? Err...yes?

I am thinking hard, the time and date when I wrote it. Was it during some boring class? Or at the middle of goofing around with my seat mates? Or maybe out of frustration that my crush didn't smile back when he passed by me at the corridor? Nostalgic...

Anyway, again forgive the cheese overload. Forgive my youthful naivety. Forgive me...

gusto ko lang din sanang mahalin gaya mo.
ang ingatan at pahalagahan,
hawakan at hagkan,
buong suyo't buong puso. 
nais ko din sanang maramdaman, 
maranasan at malaman,
kung paano mag-alala, 
sa isang mahal na inaalala.
pangarap kong mahalin. magmahal.
ang may minamahal.

paano kaya ang alayan ng matatamis 
na salita.
paano kaya bigkasin ang salitang
mahal kita. 
saan kukuhanin mga awit
na isasambit.
saan papandayin mga halik
na kay hinhin. 

kahibangan bang mangarap,
ang aking hangarin.
habiin sa isip, sa puso'y likhain
ang minsan sa kinabukasan
ang minsan sa isang bukas
isang pag-ibig na darating,
isang pag-ibig ang yayakapin.

lipas na yata ang panahon, 
araw muli na namang umahon.
hindi na darating iyon. marahil,

wala din 'yon...

20 reaction(s):

Kyle said...

cheesy much kaso malungkot...

Axl Powerhouse Production Inc, said...

bakit naman ganun lungkot naman :(

Spiral Prince said...

may lalim din naman ang pagka-cheesy mo dati. and you're forgiven. :)

Ewan said...

may ginawa rin akong poem tungkol sa bestfriend ko nung college...

asan na kaya yung ngayon

Yj said...

char!!!

epekto ba ito ng papalapit na balentayms at kung ano ano ang nahahalungkat mo?

ahahahaha

c - e - i - b - o - h said...

hmmmmmm.....

sabi nga nila, wag mawalan ng pag-asa.. hehehe

Mu[g]en said...

Pareho kayo ng sinasabi ni Jepoy! *read my mind. :P*

my-so-called-Quest said...

lipas na ang panahon? come on. you're too young to say that. nandyan lang yun. ginagawan ka pa kasi ng story na espesyal at para sayo. at pag dumating yung time na yun. nako... hehe

RainDarwin said...

ito bang ang continuation ng kanta ni Aiza Seguerra na PAGDATING NG PANAHON?

KikomaxXx said...

weee.... ganda basta in love nga naman ano... wow robin ang cheesy mo nun.. hahaha

Nishiboy said...

lahat naman siguro tayo nung college, kung hindi emo eh galit.

POY said...

dumugo ilong ko sa tagalog hanep ang pagkaintindi ko lang while ur writing that one eh parang kantang "TILA" lang ng side A yan... saktong sakto ang mga tanong mo... lalim lufet di ko na carry hehehe

uno said...

haaaaaay... emo nmn

Désolé Boy said...

Kyle - malungkot talaga eh =(
.
.
Axl - ganun talaga tol. salamat sa pagdaan.
.
.
Spiral Prince - malalim na kadramahan? hehe. salamat.
.
.
Ewan - masarap balikan ang takbo ng isip mo nun.
.
.
YJ - hindi naman siguro. keber lang naman ako sa Valentine's day. hehe
.
.
Kiko - hindi naman sa nawawalan ng pag-asa. tanggap ko na. walang darating. and for some reason, masaya na rin ako kahit ganun.

Désolé Boy said...

Kuya Mugs - i know what you're talking about, hehe. that's what he's telling to himself. me, i was told about it and then i proved it. =p
.
.
Ced - hmpf! ginagawan ng espesyal na istorya..baka ginagawan ng espesyal na horror story =p
.
.
Papa P - classic ka talaga! hehe. kaya mahal kita eh. chos!
.
.
Pareng Kiko - alam ko. haha. nakaka-umay ba? =p
.
.
Jap - hindi naman ako laging emo nun. madalas rebelde, hehe.
.
.
Poy - salamat sa compliment at salamat sa pag-follow. i'll pay a visit when i can. ;)
.
.
Uno - sorry. bawi ako next post ;)

c - e - i - b - o - h said...

i feel i need to disagree...hindi sa walang darating.. di ba sabi lina e "it pays to wait" malay mu lang di ba?? but on the other hand, sabi mu masaya ka, well, it somehow relieves me, un lang naman minsan ang mahalaga, kasihayan sa buhay kahit anung estado..

Nimmy said...

think positive! walang aayaw! hehehe.

ang mushy nito dboy. astig!

wanderingcommuter said...

hindi ko naisip na makakabasa ako ng ganitong tula sa blog mo...

ang HUSAY!!!

KikomaxXx said...

asus huwag mo akong ichusen.. masyado pang bata ang gabi upang ikaw ay maging pari...w aheheh... basta alam ko dadating at dadating yan.. kaya huwag kang mapagod sa kakaantay... wahehehe

Désolé Boy said...

Kiko - mahirap naman maghintay kung wala namang hinihintay, di ba? salamat. salamat.
.
.
Nimmy - pasensya na. as i've said, forgive my naivety
.
.
Ewik (tama ba?) - hindi mo naisip dahil sa sobrang korni? hehe. salamat.
.
.
Pareng Batman - talagang ganun kapag bayani ka. kailangang mag-silbi sa mga tao kaya walang lablyf. hehe

 

Copyright © 2010 Désolé Boy | Blogger Templates by Splashy Templates | Free PSD Design by Amuki