Monday, February 14, 2011

Mga kundiman sa panahon ng ligalig

"Ang iba'y iibig sa maling panahon, umibig noong 1980s, nakipag-martsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda sa kaniya ay nabuhay pa noong 1930s, isang rebelde laban sa mga Amerikano, matagal ng namatay. Kaya she keeps on falling in love sa mga lalaking mas matatanda, hinahanap sa kanila ang hindi mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at kasalukuyan."

Hindi ko alam kung na-ikwento ko na ito pero kung oo, pagpasensyahan ninyo na't kailangan ko talagang muling i-kwento.

I first tasted the sweet feeling of falling in love back in high school. Sa isang babaeng ubod ng ganda at ubod ng tayog para sa isang kagaya ko, anak mahirap, hindi katalinuhan at simple. Siya sa kabila ng mga payak kong katangiang ito ay kilalang-kilala sa aming paaralan. This was during freshmen years. She was a member of the school's cool dance club. I, on the other hand, was a drum and lyre band geek. The feeling was so overwhelming, so I gave in. I courted her.

Tumagal lang ang nasabing panliligaw ng isang linggo. I gave her love letters telling her how "breathless I am every morning seeing her walking on the school grounds with the early sunshine touching her beautiful face." But after receiving a bouquet of red roses from me, which by the way costs then  two-weeks worth of my baon, she ditched me.

Kinausap niya ako ng maayos, mahinahon. Bagama't hindi deretsahan, isa lang ang pinupunto ng mahaba at pinagkabit-kabit niyang malalamyos na salita - hindi niya ako gusto. Nagpasalamat siya sa atensyong ibinigay ko at kung maaari ay nais daw niya akong maging kaibigan.

Wala akong nasabi. It was the first time. The very first time and my young heart was squashed into million pieces.

"Ang iba'y iibig sa mga hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba'y iibig sa mga bahay, kinikilig habang hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa kisame, pinagnanasahan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman na ang puso nila ay gawa sa kahoy."

May isang babae pa akong nagustuhan na pinakalilihim-lihim ko't maski mga kaibigan ko'y hindi nila alam na dinigahan ko noon. Pero ganun pa rin naman ang kinalabasan ng kwento - basted.

Matapos nun ay sunod-sunod naman ang mga lalaking nagustuhan at inibig ko. Mas masalimuot. Mas magulo. The rules of the game are harder to make way in. I counted, heartache after heartache and still, no one came to make it whole. I was left to figure it out myself why, while fixing back my shattered heart alone and desolate.

"Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Merong di makahakbang dahil sa pag-ibig at meron namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong kapag umibig ay nakaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa."

Ang hirap pala umibig! Iyon na lang ang naibulalas ko matapos ang ilang beses kong pagtatangka na pasukin ang larangang sobrang naging malupit sa akin. Merong mga nagpa-asa. Merong ang akala'y pwede akong gawing parausan. Merong nanghingi ng load. At meron ding mga nangutya.

Para akong aplikanteng naghahanap ng mapapasukang trabaho. Dala-dala ang bio-data ko habang isa-isa nila itong binasa. Mayroong nagustuhan ang mga nakasulat doon. Meron namang doon pa lang ay todo na ang iling. At sa mga tumawag upang ako'y kapanayamin ng personal, isa ang kanilang naging mga sagot pagkatapos "don't call us, we'll call you."

Uuwi akong pudpod ang mga sapatos. Uuwi akong wala pa ring laman ang sikmura. Uuwi akong gutom. Luhaan. Talunan.

Pagod man at kumakalam ang sikmura, babangon pa rin kinabukasan. Haharap sa panibagong araw na puno na naman ng mga paghamon at mas maraming mga pagtanggi.

"Merong pinalad na magkakilala, nagka-ibigan at nagsama. Pero sa 'di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kaniyang sarili."

Nakakapagod maghintay. Hindi mo alam kung ikaw ba'y hinihintay din niya.O sadyang wala ka naman talagang hinihintay na paparating.

Hindi naging mabait ang pag-ibig sa akin. Hinamon ako nito ngunit hinamak pagkatapos. Sinugatan ako nito't ninakawan ng dangal at kaisipan.

Pero hindi niya nagawang nakawin ang aking kwento. Itutuloy ko ang kwento ko, kwento man ito ng pag-ibig, ng tagumpay, ng kasalanan o pagkabigo. Tatanggapin ko kung sadyang ako'y nakalaang magmasid at maging masaya na lamang para sa mga kinasihan ng tadhana.

Sumusuko na ba ako sa pag-ibig? Hindi. Sumusuko na ba ako sa paghihintay? Gusto kong sabihing oo. Pero alam ko, dahil kahit ga'no pa kagulo ang isip at buo kong pagkatao, alam kong higit akong tumatapang kapag nasusugatan.

At tulad ng lagi ko ngang sinasabi, darating din ang araw ng pag-laya. Darating ang araw ng paglaya. May araw ng paglaya.



Titingin ako tuwing sasapit ang umaga sa langit at ibubulong doon na hinihintay pa rin kita. At kung sakaling hindi ka naman dumating dahil nabuhay ka sa ibang panahon, o di kaya'y hindi rin ako pumasa sa iyong mga kwalipikasyon o marahil hindi ko rin nahanap ang aking sarili, sasabihin ko naman sa buwan pagsapit ng gabi... na salamat. Salamat dahil minsan, tayo'y pinagtagpo niya...

 sa ating mga panaginip. 


____

"Mga kundiman sa panahon ng ligalig" by Jose F. Lacaba

Mga sipi mula sa nobela ni Ricky Lee "Para Kay B"
No intention of copyright infringement

14 reaction(s):

Louie said...

In time DB, I'm sure it will come. Be more patient. I'm sure darating ang pinaka-deserving na tao sa buhay mo! :)

Nice kundimans. I especially like the second one! :)

Bryan Karl said...
This comment has been removed by the author.
RainDarwin said...

hugs DB.

Bryan Karl said...

nice write up! happy valentine's day! hehe

Yj said...

kung ang pag-ibig ay nakasasakit at mali, pag-ibig pa ba yun?

KikomaxXx said...

robin nasa likod mo lang ang batman..w aheheh... kasi naman eh may paemo2 ka pa san na yung nangtiang DB sa twitter..w aheheh...

Mu[g]en said...

Bata ka pa DB. :) Marami pang panahon upang umibig.

At madalas, dumarating siya sa mga panahong malapit ka na sumuko.

Happy Valentines!

Kyle said...

agree ako kay mu[g]en.

huwag kang mag-alala DB darating din siya...

...basta wag lang masydong choosy.hahaha

Kyle said...

happy valentines pala :)

Nimmy said...

hugs dboy. makinig ka kay kuya mugen! totoo yun! hihi

hugs ulit! :D

wv: consubo

alam na! lol

Marhk said...

kiss n hugssss!!
Happy Valentines!
ayoko burautin ka baka mapikon ka hehehe

Desperate Houseboy said...

Payakap nga papa DB. Anyways, sabi mo nga sweldo naman bukas. Kaso, kami hindi pa. so panu? treat mo ko? ching lang. hug hug hug. wag na sad.

Peter said...

Happy Valentine's too.

rafi said...

Sa buhay, malaki ang nagagawa ng matyagang paghihintay, sabi mo nga, darating din ang araw ng paglaya... buti pa, tumakas na tau! hehehehe

 

Copyright © 2010 Désolé Boy | Blogger Templates by Splashy Templates | Free PSD Design by Amuki