Thursday, January 27, 2011

Ipahintulot nawa



May mga bagay akong gustong sabihin pero hindi ko masabi. Hindi ko alam kung hindi ko lang ba matimpla ang mga tamang salitang dapat kong sabihin o sadyang hindi ko alam ang sasabihin. O kung gusto niya, nilang marinig ang sasabihin ko. 


May mga bagay din sana akong gustong itanong pero hindi ko rin alam kung dapat bang itanong. O kung may tanong nga ba talaga. Ano ba ang pinagmumulan ng tanong? Ang kagustuhang malaman at maliwanagan sa mga bagay-bagay? Isang masalimuot na sitwasyon? O isa pa ring tanong? Kaya walang katapusan ang samu't-saring tanong?


May mga taong gusto ko sanang makasama. Yung iba hindi pwede kasi malayo. Yung iba hindi ko alam kung papayag silang makasama ako. Kung magugustuhan nila akong kasama. At siyempre meron ding yung ayaw talaga akong makasama.


May mga bagay, tao at pagkakataon akong nais sanang hanapin. Pero hindi ko matagpuan. Hindi ko rin alam kung saan sisimulan ang paghahanap. Hindi ko nga alam kung dapat ba silang hanapin. Kung gusto ba nilang magpahanap. At kung talagang posible silang mahanap. 


Ang dami kong kinatatakutan. Na alam kong hindi rin naman dapat katakutan. Takot ako sa payaso. Takot ako sa sarili kong dugo. Takot ako sa mga pangarap ko. Takot ako sa sarili ko. 


May gusto akong sabihin. Gustong-gusto ko. May gusto akong gawin. Gustong gusto ko. May mga tanong ako. May mga hinahanap at nais mahanap. 


Pero may takot. May tanong. May alinlangan. 


May gusto...







____
"Isn't anyone tryin' to find me? Would somebody come take me home?"
-"I'm with you" by Avril Lavigne

13 reaction(s):

Kyle said...

nainspire ka ata sa mga pinakikinggan mong radio ah. naalala ko tuloy yung mga tanong mo sa twitter na parang pangradio station.hehehe

ʎonqʎʇıɔ said...

It always starts with these wants, DB. But if you don't do anything, that's all it'll ever be.

I sense a shift. Like a little earthquake. Good luck with that! :)

Pipo said...

Werq.

Alter said...

deus ex machina

Désolé Boy said...

no. this is no work related guys ;)

Mac Callister said...

hay naku pati kami naguguluhan hahaha!itanong mo na ng matapos na!gow!

Sean said...

i agree with citybuoy. baka kailangan ding isipin, regardless of the fears and apprehensions, kaya mo bang walang mangyari o unti-unti ka rin bang kakainin niyan inside? kung yung latter, pwede ka bang mag-leap of faith?

KikomaxXx said...

chong mas ok sigurong pagmay gusto ka eh pilitin mong gwain yun.. wahehehe.. huwag maging tamad wahehhe parang ako.. hahaha

orally said...

yeah leap of faith DB. the blind kind.

and oh goodluck on law school pag natuloy

soltero said...

Huwag kang matakot gawin ang nais mong gawin, ang mas mahirap eh yung regrets after.

Matuto kang mag take ng risk, kayang kaya mo yan, napaka intelektwl mong tao!

Mwahhhh :P

tim said...

That's really disgusting to know.. We are looking for something that we don't know what, wanting one person to stay but don't know who. What a life.. Thesame issue!

uno said...

a friend of mine once told me...
step forward! go where your brave heart takes you... be courageous! at makakarating, mahahanap mo lahat ng gusto kasagutan...

Desperate Houseboy said...

Naniniwala kami sa yo DB. Go for the Gold.

 

Copyright © 2010 Désolé Boy | Blogger Templates by Splashy Templates | Free PSD Design by Amuki