Monday, November 8, 2010

Yo ho! Yo ho! A Pirate's life for me!



Last Friday, nagpunta 'kong Quiapo para magsimba dahil first Friday of the month yun. Sinamahan ako nung kaibigan ko, isang kaklase nung kolehiyo at isa ring kapwa deboto ng Nazareno.

Pagkatapos ng mga kaganapan sa simbahan, aayain ko sana syang samahan akong kumuha ng mga litrato sa paligid-ligid pero hindi ako napagbigyan dahil sa lakas ng ulan. Siya naman ang nag-aya, tawid daw kami dun sa kabilang kalsada at may titignan lang siya. 

Ang loko. Ayun at mamimirata lang pala.

Bumili siya nung mga TV series pati na rin mga bagong labas na movies. Sa halagang 50 pesos, limang DVD na ang nabili nya.

Natuwa na rin ako sa paglilibot kahit pa mahirap dahil magkasukob kami sa iisang payong at siksikan pa rin sa dami ng tao nung araw na 'yon kahit pa malakas ang buhos ng ulan.

Panalo pa rin ang mga tindang porn. From hardcore to softcore. M2M. Yung mga nakakadiring all girls action. Sean Cody, Baitbus pati yung BrokeStraightBoys. Just name it, they have it!

Kung trip mo naman yung mga lumang pelikula gaya ng Sutla, Totoy Mola, Kangkong, Live Show, Pinya at yung paborito ng tito ko na Nangawit ang Bunganga sa Laki ng Tilapya, sa halagang 40 pesos, makikita mo na ulit sina Leandro Baldemor at Nini Jacinto. 

Tawang tawa naman kami ng kaibigan ko kung ga'no ka-creative ang mga gumagawa ng mga tinatawag na "indie film" ngayon. Hanep sa title! Gaya na lang ng "Lagpas," "Haba," "Araro," "Kambyo" at "Pulupot." Tadtad sa mga twinks na nagpofrontal yang mga "indie film" na yan! 

Sa totoo lang hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot dahil dyan. Para kasing ginagawa na lang na excuse ang terminong "indie film" para paghubarin ang mga artista sa ganung pelikula..

Opinyon ko lang naman. Pasensya na't talaga lang na mahal ko ang mga non-mainstream film makers dahil naniniwala ako sa pinaglalaban nilang adbokasiya at hinahangaan ko ang kanilang mga sakripisyo para sa tinatawag nilang "art."

Kaya nung narinig ko yung mga tindera sa Quiapo na ang sinisigaw ay "indie film, indie film" tapos yung cover nung DVDng inaalok eh mga lalaking puro nakahubad at naghahalikan, napailing na lang ako. Hindi kasi yun ang kilala kong indie film. 

Sabi ko pa sa kaibigan ko, alam mo isa tayong malaking irony sa gitna ng lahat ng mga DVDng ito. Taga Siyete ka, taga kabila naman ako. We represent the media industry here. Ang parehong industriyang nagpapalamon sa 'tin na ngayon ay tinatraydor natin.

Sumagot siya, kung pinapasweldo lang tayo ng tama ng sinasabi mong industriya eh di sana may pampanood tayo ng sine at pambili ng original DVDs, di ba?

May katuwiran siya.

Pirata. Madami na ring trabaho ang idinulot nito. Marami ring trabaho ang naisakripisyo. Habang nagdulot siya ng kaaliwan sa ibang tao sa murang halaga, marami din naman ang nagbabayad ng mahal sa pagiging talamak niya.

Tama o mali?

Hindi ko alam ang sagot.

Sa pagkakataong iyon, isa lang ang sigurado ako. Hindi ako matatahimik hangga't di ko nalalaman kung ano ba talaga yung bagay na yun na lumagpas sa pelikulang "Lagpas."

Ayun. Napabunot tuloy ako ng singkwenta pesos sa wallet ko ng magkaalaman na.

23 reaction(s):

Mac Callister said...

sige pagka panood mo sabihin mo sakin kung ano un lumagpas na un!hahaha

Mu[g]en said...

Ang lugar na iyong pinuntahan ang kariran centre sa Quiapo. Wahahahah!

my-so-called-Quest said...

so anong meron sa lagpas?

at lol sa nini jacinto. haha

hard2getxxx said...

ako i just download porn, movies etc kasi lahat na binebenta sa quiapo or mga pirated dvds galing lang yan sa internet.

and nakakahiya ata bumili ng porn especially m2m porn hahahaha

kaya download na lang ang pinakasafe and tipid pa

P I L Y O said...

papa joms, saan yung may kariran na place? san exact dun? di ba nakakatakot pumunta sa Quiapo feeling ko kundi ako mahoholdap dun, mari-rape este mabubugbog.

Arwind said...

Dahil nabili mo na, alam mo na ba kung ano yung lumagpas? Haha.

Jepoy Dee said...

nalulungkot ako sa kalakaran ng indie film ngayon. aminin man natin o hindi na nabrand na ang indie film na pang bading. eh karamihan naman ng lumalabas diba eh puro gay-themed keme? nakakalungkot.

oh well, hindi na ako namimili ng pirata. nagdodownload na lang ako ng torrents. LOL> :P

Ronnie said...

"Nangawit ang Bunganga sa Laki ng Tilapya"

- Major, major WAHAHAHAHA.

Crush kong male bold star noon si JC Castro.

Ako sa Makati Cinema Square ako bumibili kasi malapit lang samin. Di ko pa nasusubukan mag-'shopping' ng DVDs sa Quiapo PERO lagi akong andyan pag January 9 (Birthday ko kasi, hihi)

Peter said...

Pahiram? Hehehe.

Alter said...

bwahahaha, napaka pang-masa naman ng entry na 'to. na-enjoy ko ng husto.

twice lang ako nanuod ng pink indie sa galleria. sabi ka ng tatay ni happyslip, "tsk, tsk, tsk, disaster.."

Désolé Boy said...

@mac<<di ko pa napapanood.sobrang busy sa work. i'll let u know pagkatapos ;]
.
.
@Papa Joms<<weh? ndi nga? i must be blind =p
.
.
@ced<<crush mo si nini jacinto?titigan mo na lang ako, magkahawig nmn kami...ng suso. haha
.
.
@hardtoget<<toxic nmn kxe magdownload. nakakabiktima pa ng virus. pro mnsan nga mas ok magdownload
.
.
@Papa P<<samahan na lang kita sa Quiapo. i'll cover you para di bale na lang na ako ang ma-rape wag lang ikaw ;]

Désolé Boy said...

@arwind<<di ko pa napapanood eh. panoorin naten? haha
.
.
@ronnie<<yay! feast day birthday mo!!
.
.
@peter<<sabay na lang tau manood. hehe
.
.
@alter<<next time sama mo ko manood sa galleria ;]

KikomaxXx said...

hahaha.. ito naman kung makadescribe parang natural na nagsisdeline sa mga malls nagtitinda ng kutsilyo... wahehehe

orally said...

titigan mo na lang ako, magkahawig nmn kami...ng suso. ahahahahahahahaha

sa recto naman ako. may point din ang friend at kung di rin ganun kamahal ang sine eh bakit magtitiis sa dibidi.

ʎonqʎʇıɔ said...

i've had a ver long and fulfilling relationship with piracy. haha namiss ko tuloy quiapo. i haven't been there since i graduated. perhaps its time to pay a visit to an old friend.

carlo said...

hmm di ko nakahiligan bumili sa quiapo. pero yung torrent and mga free movies sa web piracy rin yun which is aminado akong ginagawa ko

Nimmy said...

nyahahaha! ang kulit nga ng mga titles! hahaha.

Soltero said...

ahahhaa eh Lumagpas nga ba? lol..

natawa ako sa "nakakadiring all girl actions" eheheh

I'm pretty fcking sure, di lang 50 ang binunot mo! ahahah :P

Désolé Boy said...

@kiko<<soreee naman. hehe
.
.
@orally<<ba't di tau nagkita sa recto? =)
.
.
@citybuoy<<guilty pleasure it is!
.
.
@carlo<<naiinip ako sa pagdadownload eh =)
.
.
@nimmy<<alin ba dun ang gusto mo at ireregalo ko sa 'yo ng may mapanood kayo sa gabi ni Papa Leo?
.
.
@Papa Solts<<ang alam ko yung sa 'yo lumagpas! nyahaha

shenanigans said...

ang lalim mong tao sobra, and i always admire your thoughts and insights.. wala lang! haha.. matalino ka, mabait *closa tayo?* tsaka masarap *lol!* ang swerte ng taong magmamahal at mamahalin mo sana lang hindi ka niya saktan.

nah! seriously, marami talaga akong natututunan sayo SOBRA! sa pagsusulat, sa mga pananaw mo sa buhay... in short na-impluwenyahan mo ko. ;)

toffer said...

minsan yung mga indie films di maganda ang story, pero patok parin kasi madaming nakahubad..L:))

Désolé Boy said...

@shenanigans<<uyy nakakataba naman ng puso (at nakakalaki ng ulo) ang sinabi mo. maraming salamat =)
P.S. hindi ako masarap eh. tanong mo dun sa mga ibang bloggers dyan na nakatikim na. CHING!
.
.
@toffer<<dun na lang bumabawi eh noh? hehe =p

shenanigans said...

wag masyado tumaba ang puso baka atakihen ka.. haha!

nakakalaki ng ulo? saan? chos!

haha! lol

 

Copyright © 2010 Désolé Boy | Blogger Templates by Splashy Templates | Free PSD Design by Amuki