Wednesday, November 24, 2010

Pakiusap

Tinititigan kita. Matagal-tagal na rin kasi simula nung huli. Halos hindi nga kita makilala.

Alam mo bang gusto kitang yakapin para hindi ka na makawala? Alam mo bang gustong-gusto kong sabihin sa 'yo kung ga'no kita minamahal? Ngunit tumalikod ka na. Habang tinatanong ko, kahit alam ko naman ang sagot. Bakit ka aalis? At saan ka pupunta?

Sa saglit na oras na iyon na nasilip kita, nadama ko ang matinding kalungkutan mula sa 'yo. Pasensya ka na, hindi ko mapigilang hind mahabag sa iyo, ang hindi maawa sa kalagayan mong pilit mo pa ring kinukubli sa lahat.

Mga tawang kinulang sa taginting. Mga pagbibirong kapos, sablay pa sa tyempo. Mga pilit na hakbang, pinabibigat ng bagsak na mga balikat at hâpong mga dibdib. Hindi ka isang mahusay na artista. Isa kang mandaraya!

Oo, nagagawa mo ngang linlangin ang ibang mga tao sa mga peke mong pagbibiro at paghalakhak, pero huwag na huwag mo sanang isiping ako'y gaya nila. Dahil dinig ko ang mga impit mong pagluha gabi-gabi. Dinig ko bawat dasal mong nagpapahingi ng saklolo sa humahapdi mong pagkatao. Higit sa lahat, saksi ako sa mga ginagawa mong pagpaparusa sa sarili mo sa kahit na anong paraan na maisipan mo.

Alam kong ayaw na ayaw mo ang pinagsasabihan pero wala akong pakialam kahit magalit ka pa. Sapagkat galit na galit ako sa 'yo.

Umiyak ka kung iyon ang gusto mo. Magsisigaw ka. Lunurin mo ang sarili mo sa alak. Murahin mo ang lahat ng tao kung sa palagay mo iyon ang makakapagpapanatag sa kalooban mo. Pero ang saktan mo ang sarili mo? Pa'no mo yan nagagawa? Bakit?

Gago ka! Oo, isa kang gago dahil napakalaking kagaguhan niyang pinaggagagawa mo sa sarili mo! Wala akong pakialam kung sinong gago ang gumago sa 'yo. Pero wala kang karapatan! Wala kang karapatan para gawin yan sa sarili mo!

'Tang ina, tumigil ka na! Tama na! Tama na!

katahimikan...





Alam mo bang sa tuwing sinasaktan mo ang sarili mo hindi lang ikaw ang nasasaktan? Alam mo bang sa tuwing iiyak ka hindi lamang ikaw ang lumuluha? Hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?

Tama na. Tahan na.

katahimikan (na sinasalitan ng mga mumunting hikbi)...




Hindi ka naman dating ganyan ah. Ang tapang-tapang mo nga eh. Tapos dinadaan mo lang sa tawa ang lahat. Sa mga pagbibiro mo. Sa sayaw at sa kanta. Ba't hindi mo gawin ngayon? Miss na miss na kasi talaga kita. Yung dating ikaw. Yung tunay na ikaw.

Hindi patas ang buhay pero humayo ka. Mabuhay ka ng patas. Hindi ba't ikaw mismo ang nagsabi niyan? Hindi ba't lagi mong sinasabi 'yan noon? Huwag kang matakot. Hindi mo kailangang matakot.

Mahal kita. Mahal na mahal kita at hinding-hindi kita iiwan. Lagi-lagi ako sa tabi mo, nakamasid, nagbabantay. Kaya magbalik ka na. Pakiusap, magbalik ka na.

Miss na miss na kita






sarili ko.
___
"Kung ang sinta'y ulilain
sino pa kayang tatawagin
kung hindi si Pepe kong giliw.
Naku, kay layo sa piling.
Malayo man malapit din
pilit pa ring mararating
huwag lamang masabi mong
'di kita iniibig."
-titik mula sa awit na "Sinisinta Kita"

16 reaction(s):

POPOY said...

hay... tama bang pagalitan ang sarili?


kung anu mang problema kaya yan... ang mapanghinaan ng loob parte ng buhay yan pero you have to step up and move forward! wag pahirapan ang sarili.. "sigh" ganyan din ako at some point bumababa ang angas ko pero nakasanayan na... so KAYA YAN!

KikomaxXx said...

weee... the boy in the mirror... BOW....


one of the many things that are beyond our control.
.
.
you'll be fine. - galing sa taong pinapagalitan mo...

my-so-called-Quest said...

may problema ba? hala...

Nimmy said...

haaaaaaay. lilipas din yan. halika nga dito... *kurot sa nipples* hehehe :)

Ronnie said...

Kaya mo yan. Ingat ka na palagi ah. :)

shenanigans said...

reflection ang drama?

huy okay ka lang ba?
anung problema?
if you need someone to talk to or kahit yung makikinig lang andito lang ako. promise! ;)

this is not a cliche'

tsaka sana huwag mong saktan ang sarili mo.
hindi naman solusyon yun eh :)

take care of yourself always ah

balitaan mo ko

Master Yam -mr.smasher- said...

ang mapanghinaan ng loob parte ng buhay yan pero you have to step up and keep moving forward....

kuya,ung kwento mo ky little bro mo ang inaabangan ko..kamusta na kayo? nagkikita pa rin po ba kayo?

Yj said...

everytime you face a mirror, remember this...

it is your sole responsibility to love that person staring back at you....

hugs D-boy

JR said...

Take it easy bro - ganyan talaga ang mga gwapo maraming problema ;-)

hinay hinay lang, baka di mo na abutan ang pagtatagpo natin chos! hahaha

orally said...

this is quite heavy...
he'll be fine

Jinjiruks said...

ang walang katapusang kalungkutan, saglit na kapayapaan, ikaw nga ni Lao Tzu, life is full of sufferings, pero kaya mo yan.

Lahat tayo dumaraan diyan, hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan, meron pa dyan mas higit sa iyo, pasalamat tayo at mas mapalad pa tayo kesa sa iba na wala na maski dangal at kung anu pang pwedeng matira sa katauhan nila.

mahahanap mo rin ang kaligayahan at contentment sa buhay, mag-antay kalang!

toffer said...

AT DAHIL JAN, I-HAHUG KITA NG SOBRANG HIGPIT..:)

Ester Yaje said...

aray! ba't ang sakit lang? nakakarelate ata ako. grabe tong post nato, nakakadala, lalo na ang linyang, "malayo man ngunit malapit din" para lang -- so near yet so far. nakakadala talaga, miss ko na rin kasi siya. haha

ʎonqʎʇıɔ said...

ang galing. midway ko na narealize na kausap mo sarili mo.

di ka naman gago. we all need to go through these things. parang test siguro.

at alak lang katapat niyan. samahan pa ng mga kaibigang mapapagkwentuhan. :) *tagay DB!*

iprovoked said...

Na-curious ako. Let me add you to my blogroll so I can start reading back. Thanks! Nice post! :]

Grey said...

I marvel at your literary prowess.

Now go break that mirror.

 

Copyright © 2010 Désolé Boy | Blogger Templates by Splashy Templates | Free PSD Design by Amuki