Wednesday, October 27, 2010

Malungkot ako

May tatlong araw sa isang taon na pinakamalungkot ako. Isa sa tatlong 'yon ay paparating na naman.
___

Ngayon pa lang humihingi na ko ng paumanhin sa 'yo. Taon man kasi ang lumipas, halos wala pa ring nabago. Eto pa rin ako. Mahina, nadadapa...iyakin. Isang bagay pa ang hindi na nawala at hinding-hindi mawawala --ang pangungulila ko sa 'yo.

January 21, 1999, masaya akong umuwi noon galing eskwelahan. Hindi kasi ako umuwi kaagad dahil nakipaglaro pa 'ko sa mga kaklase ko. Takang-taka ako dahil ang daming tao sa bahay natin. Wala naman akong maisip na okasyon. Kaya gayon na lang ang gulat ko ng makita kita.

Para akong sinaksak noon. Walang nagawa ang mga taong nagmamasid noon kundi tanawin at maawa sa isang batang walang tigil sa pag-iyak. Tumatawag sa isang pangalan ng paulit-ulit, nagmamakaawang tugunin man lang siya nito kahit minsan pa, ngunit wala. Takot na takot ako noon habang galit na galit. Hindi ko alam kung kanino ko ibubunton ang sisi. Kay Lola ba dahil hindi ka niya nabantayan ng husto sa ospital? Sa mga doktor, kung nagpabaya ba sila? Sa Diyos? O sa 'yo mismo, dahil sumuko ka't iniwanan ako?

Ayokong maniwalan Alam kong hindi mo magagawa sa 'kin yun. Ako na paborito mong apo ay hindi mo matitiis maiwan mag-isa. At nangako ka. Nangako ka sa 'kin noon na lagi kang nandyan basta tawagin lang kita.

At ngayon nga. Hinahanap at tinatawag kita ngayon. Pero saan? Paano? Hindi ko nga alam kung naririnig mo pa rin ako.

Sana Lo andito ka ngayon. Ang dami ko kasing gustong isumbong sa 'yo. Natatandaan mo noon, kapag ayaw akong isali ng mga pinsan ko sa laro nila dahil masyado pa daw akong bata, pagagalitan mo sila at papaluin para pasalihin na nila ko. Sana ganun din ngayon. Gusto kong awayin mo sila, silang mga nananakit at nagpapaiyak sa 'kin ngayon. Gusto kong pagalitan mo din sila at paluin. Gusto kong itayo mo ulit ako, ngayong nadapa na naman ako. Pagod na pagod na kasi ako Lo. Hirap na hirap na. Ngayon kita higit na kailangan para palakasin ang loob ko. Kung nandito ka lang, alam kong sasabihin mong kayang-kaya ko 'to, dahil nagmana ako sa 'yo --matapang. Pero tama ka nga ba? Matapang nga ba talaga ako?
___
DB and his Lolo

August 16, birthday mo. Hindi pa rin ako papayag na walang handa. Kailangan may cake. Kailangan may ice cream. Pero ang hindi ko magawa, yung kailangan masaya. Gusto kasi kitang yakapin. Gusto ko pa ring kumandong sa 'yo at ipakita sa lahat na ako talaga ang paborito mo sa lahat. Pero paano?

Ngayon Lo may trabaho na ko. Mabibili na kita ng kahit anong regalong gusto mo. At alam mo ba, pwede pa kitang i-surprise! Magugulat ka dahil babatiin ka nila ng Happy Birthday sa TV. Pati din sa radyo. Alam ko, magiging masayang masaya ka. At lalo kang magiging proud sa 'ken --ang paborito mong apo.
___

Dati 'pag November 1, wala naman akong dinadalaw sa sementeryo. Pero eto na nga. Kailangan ko pang tumakbo sa sementeryo lagi-lagi pag namimiss kita. Pasensya ka na. Sabi nila namamahinga ka na daw. Pero eto 'ko. Sa 'yo pa rin ako nagsusumbong.

Pasensya ka na din kung narinig mo pa ko nang pagmumumurahin ko yung isang pamilya dati nung abutan ko silang nakaupo at nakatayo sa ibabaw ng nitso mo. Buti nga't di nila ko nireklamo dahil hinagisan ko sila ng hawak-hawak kong pang-alis ng damo sa galit ko. Takot lang nila. Marami ka ng pulis na apo ngayon Lo. At isa pa, sabi nga nila, sa 'yo ko namana ang pagiging masungit at topakin ko. Tama ba Lo?
___

Masakit pa din. Ang sakit-sakit pa din Lo. Ang daya mo. Ako ang pinakabata kaya't ako ang may pinakamaiksing panahon na nakasama ka. Pero yung pagmamahal na binigay mo sa 'ken, alam ko, alam kong hindi kayang sukatin sa maikling panahon na 'yun. Kaya ipinapangako ko, habang buhay ako, meron kang isang apong laging nakakaalala sa 'yo. Tandaan mong may isa kang apo na laging nagdadasal para sa 'yo. Isang apong hindi mapapagod sa pangungulila sa 'yo.

Wag ka na din masyado mag-alala. Nahihirapan man ako ngayon., umiiyak pa rin gaya ng dati, kakayanin ko. Sabi mo nga, dapat matapang ako. Kaya kakayanin ko. Para sa 'yo.
___

I love you Lo.

20 reaction(s):

Nimmy said...

:'(

lapit ka nga dito desole! yayakapin kita!

my-so-called-Quest said...

aw db! :( he's in a better place now. pagpray natin sya. :)

Yj said...

pinaiyak mo ako!!!

Ryan said...

Your last line said it all. I'm sure he loves you as much as you love him. Anjan lang siya, never ka niyang iniwan. As long as that love stays, he won't really be completely gone. Hugs db.

Guyrony said...

One of the most sincere I have read from your entries so far.

I may not have shed a tear but I feel the grief and the gloom.

anteros' dominion said...

hindi ko alam ang sasabihin ko para mabawasan ang lungkot sa dibdib mo.

hamo, alam ko na masaya siya kung nasaan man siya kasi alam niyang anumang mangyari, mahal na mahal mo siya.

huwag ka nang malungkot...please?!

toffer said...

naalala ko tuloy c lolo.. grabe yung emotions ng post mo..:((

like hug hug kita...feel mo yung bones ko..hahah

Ronnie said...

:(

Sounds cliche pero naalala ko agad Lolo ko. I hope our Lolos are in good place now.

Hugs from Ronnie.

Mike said...

awww madrama ka nanaman friend. lika nga dito at kiss kita. bwahehehehe.

Soltero said...

aba ume emo ka hahaha...ako 7 yrs old nung namatay gramps ko sa mother side, sa dad naman,dedo na rin b4 pako pinanganak...isa lng nakalakihan ko, grandma sa mother's side :)

hondafanboi said...

pusong bato ako mars so medyo hindi talaga ako naka feel ng anything pero the concepts of loss and pain are never unknown to me.

i feel for you ditse.

@===(-!-)===@

hugs

jc said...

lolo's boy here, too.

cheer up. your lolo doesn't want you to be sad or crying. :)

fox said...

lolo ko sa father side ko ang naabutan kong buhay... di man kami naging close ng lolo kong iyon.. minahal ko siya at inalagaan haggang sa huling hininga niya.. (bed ridden kasi si lolo ng almost 5 years bago siya binawian ng buhay)..

sad story.. :-(

Mac Callister said...

kaka-touch naman to!

wag ka kay nimmy payakap,sakin nalang...hehe

Yas Jayson said...

i am learning to convert sadness to solitude. i hope you too, DB.

c'est la vie, monsieur.

P I L Y O said...

DB, gusto kong maiba ang comment ko. Gasgas na kasi kapag sinabi kong... "i feel u" or "kakalungkot, naiyak ako."


eto ang comment ko:

ikaw ba yung batang karga-karga ng lolo mo? medyo pango pero ang CUTE... gusto kong gamitan sya ng program para makita ko ang face mo ngayon.


CHING!!!

Nicos said...

Ako?kame, we lost our lolo at lola sa mother side, ngayong taon lang. April si Lola, July si Lolo. Anlungkot kasi halos buwan lang ang pagitan nila. Pero yun nga, isipin an lang na masaya na sila.

Lika, hug kita:)

Désolé Boy said...

Hahaha...napatawa mo ko Papa P. Tenkyu!
.
.
Everyone,

Salamat ng maraming marami.

DB

dark_knight said...

ang bawat salita ay may halong kurot..

hold on

orally said...

aww lolo's boy ka pala.

yumg mercurial temper ang namana ng papa ko sa lolo ko at yun rin yata ang nakuha ko.

 

Copyright © 2010 Désolé Boy | Blogger Templates by Splashy Templates | Free PSD Design by Amuki