Monday, August 9, 2010

kung maaari sana

[para sa isang taong lagi sa mga panaginip ko ngunit wala sa mga pangarap ko]

kinulang pa ng isa, sakto sana sa dalawampu
sapagkat kulang ang daliri para sa wasto.
kung pagmamasdan mo nga't
titgnan pang mabuti
kita na ang mga aninong
sumasayaw sa ritmo
sa mga pahinto-hintong imno.


isa, dalawa, mga matang luwa.
tatlo, apat, lima, damit na luma.
anim, pito, nawala ang walo.
siyam, sampu, susunod sa dalawampu.
dala-dalawa, parehong kaluluwa.
isa-isa, lambong ng luksa.


nilaro-laro nga ang mga salita't
minura-mura ang mga berso.
pantay-pantay ang lapat.
bawat himig humehele sa lintik.


kaya hanggang ilan ang kayang bilangin?
paano kayang pagagalingin?
saan-saan huhugutin?
bakit pa papantayin?
kung buo na ang sugat
at ampat na ang dugo,
saka pa lang aamin,
iba ang bilang, lalo pa sa isa.

___

the poem written above was originally posted on my Facebook account. a friend commented and here's what he said:

umiindayog ka man
sa saliw ng tadhana
tanging impit
yaong mga tinig...


___


"A teardrop is insignificant in a pool of water, but it can touch the soul as it runs down someone's face."
-Anonymous

8 reaction(s):

JP said...

ang deep naman! haha.

love the quote! :)

soltero said...

ahaha at sino nman ung taong dinedikeytan mo nito?

btw..i'm wondering, what ever happened to ur shoti? :P

my-so-called-Quest said...

malalim pero itatry ko sauluhin ha. :D

MARK said...

Parang mas gusto ko na lang maging kasama sa pangarap ng isang tao kaysa sa panaginip lang niya. :)

Ewan said...

ganun?
wala lang... may maicomment lang hehehe

Vitori Thinks said...

ang masasabi ko dyan ay... teardrops are magical... it has its own way of making you feel better after it has flown freely from the eyes... galing noh?

nakakaaliw ang blog mo... ipagpatuloy mo lang yan... =)

Désolé Boy said...

@mark<<i just thought he's better of in my dreams. at least dun alam kong panaginip lang sya, magigising din ako. pag kasi sa pangarap, andun na yung umaasa akong paggising ko galing sa panaginip, andun pa rin sya. na alam kong mahirap mangyari. as they say, he's too good to be true.

Master Yam -mr.smasher- said...

kuya DB,what po name/e-add mo sa fb?

 

Copyright © 2010 Désolé Boy | Blogger Templates by Splashy Templates | Free PSD Design by Amuki